TRAVEL RESTRICTIONS SA 30 BANSA, EXTENDED

EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit 30 bansa hanggang Enero 31, 2021

Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang sa nabanggit na petsa ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng byahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang: The United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, kabilang na ang Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States of America, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.

Sinabi ni Sec. Roque na hindi kasama sa listahan ang United Arab Emirates dahil mismong ang pangulo ang maga-anunsyo kung dapat itong isama sa listahan o hindi.

“List is for extension of restrictions and not for new,” giit ni Sec. Roque.

Kaugnay nito, inatasan din ng IATF ang Department of Transportation na mahigpit na magpatupad ng issuances sa mga airline na magsasakay ng mga pasahero mula sa pinagbabawalang makapasok sa Pilipinas, ayon sa travel restrictions ng Office of the President at ng IATF.

Sa kabilang banda, palalakasin ang contact tracing protocols kung saan isasama ang third generation contacts para sa new variant cases. Lahat ng matutukoy na close contacts ay kailangang sumailalim sa mahigpit na facility-based 14-day quarantine samantalang ang natirang contacts mula sa flight manifest ay papayuhan sumunod sa appropriate quarantine protocols.

Inatasan naman ng Department of the Inetrior and Local Government (DILG) na maglabas ng advisories sa local government units para paghandaan at palakasin ang maintenance ng kanilang quarantine facilities. (CHRISTIAN DALE)

137

Related posts

Leave a Comment