‘TRES MARIAS’ TIBA-TIBA SA PROYEKTO SA CITY HALL

MAY tinaguriang “Tres Marias” na mula sa pamilyang contractor sa Metro Manila na kinabig na umano ang mga proyekto sa kanilang siyudad.

Nabatid ng SAKSI NGAYON na ang mag-iina ay tumatakbo ngayong magkakasama sa pamunuan ng lungsod—ang anak bilang mayor, ang ina bilang vice mayor, at ang isa pang kapatid bilang konsehal.

Ayon sa impormasyon mula mismo sa loob ng Mayor’s Office, ang asawa ng kasalukuyang vice mayor ay contractor ng City Hall, habang ang asawa ng tumatakbong konsehal ay matagal nang may kontrata para sa pagkumpuni ng mga sirang garbage truck ng lungsod.

Kontratista rin ng mga proyektong imprastraktura ang kapatid ng alkalde.

Tinatayang milyon-milyon ang kinikita ng mga ito buwan-buwan mula sa kaban ng bayan.

Ginawa nilang gatasan at negosyo ang kawawang syudad.

Samantala, ang nanay ng vice mayor diumano’y tumatanggap ng porsyento (SOP) mula sa malalaking proyekto, pagbili ng gamot para sa health centers, at iba pang proyekto sa lungsod.

Malinaw na ginagamit nila ang kanilang posisyon upang mapanatili ang kanilang impluwensya at patuloy na makinabang mula sa pera ng taumbayan.

Mahilig rin umanong mamigay ang mag-iina pero ang kanilang pagiging galante ay mula sa kaban ng bayan at hindi sa kanilang bulsa.

23

Related posts

Leave a Comment