‘TRIGGER HAPPY’ BINITBIT SA SELDA

CAVITE – Arestado ang isang 58-anyos na lalaki makaraang ireklamo dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong alarms and scandal at paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code ang suspek na si alyas “Rodolo”, binata, residente ng Indang, Cavite.

Ayon sa reklamo ng ilang residente sa Purok 5, Brgy. Calumpang Cerca, Indang, Cavite, nabulabog sila sa katahimikan ng gabi dahil sa walang habas na pagpaputok ng baril ng suspek bandang alas-11:55 ng gabi.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at naaktuhan ang suspek habang nagpapaputok ng baril.

Nakumpiska sa suspek ang isang .45 kalibreng Remington na baril, 13 bala, mga basyo, at dalawang magazine.

Wala namang maipakitang dokumento ng baril ang nasabing suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

51

Related posts

Leave a Comment