TRIKE TINUMBOK NG MOTORSIKLO, 5 SUGATAN

SUGATAN ang dalawang driver at tatlong pasahero makaraang tumbukin ng motorsiklo ang isang tricycle sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, malapit sa panulukan ng Zaragosa Street sa Tondo, Manila.

Isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ang tricycle driver na si Emil, 39, at si Cezar Jr., 25-anyos, rider ng motorsiklo. Gayundin ang tatlong

pasahero ng tricycle na sina Ariel, 57; Jevette , 27,  at Irish,18-anyos.

Batay sa ulat ni Police Major Jaime  Gonzales, hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang 11:00 ng umaga nang makarating ang isang tawag sa tanggapan ni Police Major Anthony Olgado, hepe ng MDTU, hinggil sa aksidente sa naturang lugar.

Agad nagresponde si Police Corporal Ron Henry Gemzon, at napag-alamang bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Nabatid, kapwa tinatahak ng tricycle na minamaneho ni Emil, at ng Yamaha NMax na minamaneho naman ni Cezar, ang southbound lane ngunit pagsapit sa southward ng Mel Lopez Boulevard nang kumabilang linya ang tricycle.

Hindi umano nakapagpreno ang motorsiklo pagsapit sa Zaragosa St., kaya nabangga ang likurang bahagi ng tricycle.

Sa lakas ng impact, bumaliktad ang tricycle na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong pasahero, driver nito at ang rider ng motorsiklo.

Nahaharap ang rider sa multiple physical injuries and damage to property. (RENE CRISOSTOMO)

338

Related posts

Leave a Comment