TRO HIRIT SA INTERNET VOTING NG OFWs

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DUMULOG kahapon sa Korte Suprema ang ilang personalidad para humiling na pigilan sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order (TRO) ang implementasyon ng internet voting ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Pinangunahan ng PDP-Laban ang petisyon sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Israelito Torreon.

Kasama sa mga petitioner sina PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi at Atty. Vic Rodriguez.

Ang petisyon ay inihain ilang araw bago simulan ang pagboto ng overseas Filipino workers (OFWs) ngayong Abril 13.

Batay sa Petition for Prohibition and Mandamus with Injunctive Reliefs, hiniling ng grupo na huwag ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang online voting.

Ayon sa petitioners, wala pang batas para sa implementasyon ng online voting at maging ng automated vote counting.

Ipinunto rin ng mga petitioner ang umano’y pangamba ng OFWs sa sistema ng pagboto online.

Respondent sa petisyon sina Comelec Chairman George Erwin Garcia at DFA Secretary Enrique Manalo.

11

Related posts

Leave a Comment