QUEZON – Walo katao ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang truck, inararo ang kasalubong na motorsiklo at nahulog sa bangin sa Diversion Road, Brgy. Malinao Ilaya, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Lunes.
Ayon sa pulisya, paahon ang motorsiklo na sakay ang mag-asawa at kanilang 4-anyos na anak, habang palusong naman ang truck na nagkaroon umano ng mekanikal na aberya.
Tumalon palabas ng sasakyan ang driver at apat na sakay ng truck bago ito tuluyang nawalan ng kontrol at bumangga sa motorsiklo.
Agad isinugod sa Doña Marta Hospital ang lahat ng mga sugatan sa tulong ng MDRRMO at BFP Atimonan.
(NILOU DEL CARMEN)
83
