‘TSISMOSA’ TINARAKAN NG KAPITBAHAY, PATAY

PATAY ang isang ginang makaraang pagsasaksakin ng kapitbahay dahil umano sa pagkakalat ng maling impormasyon sa Sitio Malabon, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si alyas “Maria”, namatay makaraang saksakin ng suspek na si alyas “Metadio”, magkapitbahay sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, bumibili ng pagkain ang biktima bandang alas-7:30 ng gabi malapit sa kanilang bahay nang lapitan siya ng suspek at komprontahin hinggil umano sa pagkakakat ng tsismis at maling impormasyon laban sa huli.

Nauwi ang komprontahan sa mainitang pagtatalo na humantong sa palitan ng maaanghang na salita dahilan upang maglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Nabatid na ang dalawa ay matagal nang may alitan dahil umano sa pagkakalat ng tsismis ng biktima.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa dinaanan ng tumakas na suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

150

Related posts

Leave a Comment