(NI DAHLIA S. ANIN)
MATAPOS ang ilang araw na pag-ulan, tumaas na ng anim na metro sa kritikal na lebel nito ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa tala ng monitoring ng Pagasa, naitala na sa 166.02 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 165.45 noong Huwebes.
Patuloy din sa pagtaas ang lebel ng tubig sa Ipo dam na umabot na sa 100.98 mula sa 100.82. Gayundin ang La Mesa dam na 74.48 meters na ngayon kaysa sa 74.38 noong Huwebes.
Maging sa Binga dam ay tumaas din sa 573.74 mula sa 573.06. Ang Ambuklao dam din ay tumaas sa 746.33 mula sa 746.31. Maging ang San Roque dam ay tumaas na rin sa 231.94 mula sa 231.66 at ang Pantabangan dam na tumaas din sa 190.23 mula sa 190.10.
Bumaba naman ang antas ng tubig sa Magat dam sa 184.92 mula sa 184.94 at ang Caliraya dam na 286.65 ngayon kaysa sa 286.87 noong Huwebes.
Patuloy naman pauulanin ang Luzon, Visayas at Northern Mindanao ng pinagsanib na puwersa ng Habagat at ng LPA na namataan sa Virac, Catanduanes.
