TULAK KALABOSO SA P276K ‘KUSH’

TINATAYANG aabot sa 230 gramo ng high grade marijuana na tinatayang P276,000 ang halaga, ang nasamsam ng mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Pasay City, sa hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang surveillance operation sa Bigonia St., Rivera Village, Brgy. 199, Zone 20 sa Pasay City dakong alas-10:30 ng gabi noong Lunes.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na kabilang sa drug watch list, na si Johnny Naduma Jr. alyas “JR,” 27, ng #8 Bigonia Street ng nabanggit na lugar.

Nauna rito, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad nang makita ang pagkakagulo ng ilang tao sa kalye kaya tinangka nilang awatin ngunit nagtatakbuhan ang mga ito

Hinabol nila ang kalalakihan ngunit tanging si Naduma lamang ang nasakote.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang pakete ng high grade marijuana (kush) na may timbang na 230 gramo at tinatayang P276,000 ang street value. (DAVE MEDINA)

192

Related posts

Leave a Comment