NASADLAK sa selda ang isang 25-anyos na binata matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation sa Pier 2, APEX Compound, Barangay 20, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi
Kinilala ang suspek na si Michael Gasang, binata, jobless, miyembro ng Bahala Na Gang at residente ng Brgy. 20 sa Tondo.
Base sa ulat ni Police Major Conrado Lazaro, deputy commander ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, bandang alas-10:00 ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Police Captain Tristan De Lara, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 1.8 gramo ng umano’y shabu na nakasilid sa 3 plastic sachet na katumbas ng halagang P12, 240.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)
