AYUDA SA NAULILA NG MGA HUKOM IPA-PRAYORIDAD SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

HINILING ni Batangas Rep. Raneo Abu sa Kamara na iprayoridad ang pagpasa sa panukala na naglalayong bigyan ng ayuda ang asawa at mga anak ng mga mahistrado, hukom at iba pang opisyal ng hudikatura na napapatay dahil sa kanilang trabaho.

Ang apela ay ginawa ni Abu matapos ang panibagong kaso ng pagpatay noong nakaraang linggo kay Tagudin, Ilocos Sur RTC Judge Mario Anacleto Bañez.

Ayon kay Abu nariyan ang banta ng pag-atake sa mga opisyal ng hudikatura dahil sa mga sensitibong kasong hinahawakan nila kaya dapat lamang na may mga programa ang gobyerno para sa mga naulilang kaanak nito.

Sa ilalim ng House Bill 2088 ni Abu, tatanggap ng buwanang pensiyon ang biyuda at mga anak ng napatay na huwes dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng panukala ay mae-engganyo ang mga hukom at mahistrado na magbigay ng hustisya nang walang kinatatakutan lalo at may pagtiyak ang gobyerno na secured ang kanilang mahala sa buhay anumang mangyari sa kanila.

 

346

Related posts

Leave a Comment