TULONG PINANSYAL SA MSMEs, INAPELA SA MALACANANG

UMAPELA ang isang senador sa Malacañang na madaliin ang pagpapalabas ng pondo para magamit na tulong pinansyal sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance at sponsor ng Bayanihan 2, sa nalalabing isang buwan bago ang pagtatapos ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, dapat na matanggap na ng mga MSME ang tulong mula sa pamahalaan.

Sa pagpapatuloy ng plenary debates sa panukalang 2021 national budget, ibinunyag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa P1 bilyon lamang ng P10 bilyon ang inilaan sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) ang naipalabas.

Sinabi pa ni Angara, na ang P10 bilyon ay inilaan para sa capital infusion ng Small Business Corporation ng DTI para tulungan ang mga MSME at ang tourism industry sa pamamagitan ng probisyon ng low-interest loans.

Ayon pa sa DTI, kabuuang 1,660 loans lamang ang naaprubahan na katumbas ng P1.2 bilyon habang mahigit sa 26,000 loan applications ang nananatiling pending sa kadahilanang ang balanse ng pondo sa ilalim ng CARES ay hindi pa nakararating sa DTI.

“The MSMEs are among the hardest hit by the COVID-19 pandemic due to the community quarantine restrictions. A significant number of these enterprises have closed shop because they could no longer sustain their losses and many others are at risk of suffering the same fate,” sabi ni Angara.

“We provided this much funding under Bayanihan 2 precisely to help these struggling MSMEs so that they could continue operating and paying their employees. Our economy is slowly opening up again and our MSMEs will play a big role in its revival so we should provide them with the necessary assistance right away,” dagdag pa nito. (NOEL ABUEL)

115

Related posts

Leave a Comment