Tangkilikin ang isang natatanging drive-in experience kung saan ang Cultural Center of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng SM Mall of Asia at sa suporta ng Century Tuna Premium Red, ay ipapakita ang mga artist ng CCP Dance Workshop sa back-to-back na pag-screen ng The Nutcracker Ballet Act 2 at Tuloy Ang Pasko sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Disyembre 19-20. Ang parehong mga dance film ay ipapalabas bilang isang double bill sa ganap na ala-5:30 ng hapon at 8:30 ng gabi.
Ang espesyal na yuletide season treat na ito ay nag-aalok sa manonood ng isang bihirang pagkakataon na tangkilikin ang isang twin-bill ng isang klasikong Christmas ballet at isang contemporary work, at magkaroon ng kasiya-siyang outdoor movie experience habang tayo ay ligtas sa gitna ng kasalukuyang krisis.
Tampok dito ang sweeping musical score ni Tchaikovsky na THE NUTCRACKER BALLET ACT 2 kung saan ito ay bibigyang-buhay sa isang Christmas story sa pamamagitan ng mga sayaw mula sa iba’t ibang lugar. Gayundin, ang lahat ng pinagsama-samang tamis mula kay Sugarplum Fairy, ang siyang hahaplos sa mga puso ng lahat para sa Kapaskuhang ito.
Ang Nutcracker Act 2 ay ayon sa choreographed ni Adam Sage base sa obra ni Marius Petipa, na may karagdagang choreography ni National Artist for Dance, Alice Reyes. Ang costumes ay supervised din ni Adam Sage at Ace Polias.
Sa setting nito na panahon ng Kapaskuhan sa Manila noong 70s, ang TULOY ANG PASKO ay kwento tungkol sa malungkot na Bisperas ng Kapaskuhan ni Lolo Val sa napapanahong “new normal” na naging masaya nang magkaroon ng pagkakataon na makasama ang kanyang mga dating kaibigan sa pamamagitan ng isang video call. Ang istorya ay nagpapaalala sa atin na gaanoman tayo kalayo sa isa’t isa, ay maaari pa ring ipagdiwang ang Pasko at maramdaman ang diwa nito.
Tampok sa Tuloy Ang Pasko ang Christmas classics na inayos at conducted ni National Artist for Music, Ryan Cayabyab. Ang choreography nito ay mula kay Ronelson Yadao kasama si Erl Sorilla, John Ababon, Lester Reguindin, Bonifacio Guerrero, Danilo Dayo at Al Abraham. Samantala ang atistic direction at costumes ay kay Alice Reyes.
Bilang karagdagang treat, ang behind-the-scenes footage na dokumentado sa pagbuo ng dance films na ito ay ipakikita sa pagitan ng dalawang productions.
Ang parehas na dance films ay idinirehe ni Carlos Siguion Reyna, at ang set designs ay mula kay Eric Cruz at ang lighting designs at technical direction ay kay Barbie Tan-Tiongco. Ang pagtatanghal ay kinuha sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo nang walang live audience, bilang pagsunod sa health and safety protocol.
Para sa tickets, mag log on sa smtickets.com o tumawag sa 8470-2222 para sa detalye.
