TULUY-TULOY ANG ILLEGAL GAMBLING SA NCR

Badilla Ngayon

ANG  huling balita hinggil sa ilegal na sugal mula kay Philippine National Police chief, General Archie Francisco Gamboa, ay tatanggalin niya ang regional director kung mayroong pa ring jueteng o anumang klase ng ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan.

Tulad ng alam ng lahat, walang natanggal na direktor ng rehiyon kahit sa mga rehiyong kilalang nakabaon na ang jueteng o bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tulad sa Central Luzon at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Kahit nga sa National Capital Region (NCR) ay patuloy pa ring namamayagpag ang bookies ng STL sa Maynila, pa-jueteng sa Quezon City, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig, hanggang sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).

Sa Maynila, namamayagpag ang bookies ng STL at bookies ng karera na kontrolado na ngayon ng isang alyas “Boy Abang”.

Maraming nakakaalam sa Maynila na ang alyas Boy Abang na ito ay napakalakas kay Mayor Francis “Isko Moreno” Domagoso, sapagkat mayroong ‘relasyon’ ang dalawang ito.

Ang may hawak naman ng jueteng o bookies ng STL sa Quezon City hanggang sa Camanava ay si alyas “Don Ramon”.

Ang Ramon na ito rin ang isa sa mga jueteng lord sa Calabarzon.
Ngunit, hindi lang kontrolado ni alyas Don Ramon ang jueteng sa Camanava, sapagkat malayang-malaya ang operasyon ni alyas “Archie.”

Bukod kina Archie at Don Ramon, hindi rin tumigil ang operasyon ng video karera ni alyas “RRecto” sa Camanava hanggang sa bahagi ng Quezon City na malapit sa Lungsod ng Caloocan.

Hindi lang si alyas Don Ramon ang may pa- bookies ng STL o pa-jueteng sa Quezon City, kundi patuloy pa rin ang operasyon ni alyas “Tee Pang.”

Noong mistulang kumukulong tubig sa sobrang init pa ang utos ni Gamboa, inamin sa media ni Major General Debold Sinas, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na hindi tumitigil ang operasyon ng ilegal na sugal sa NCR.

Ani Sinas, kailangang imapa ito ng NCRPO upang matukoy kung saan-saan ang eksaktong lugar mayroong ilegal na sugal sa NCR.

Pagkatapos nito, wala nang nangyari sa pahayag ni Sinas.

Ngunit, tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng i legal na negosyo nina Boy Abang, Don Ramon, Archie, RRecto at Santos.
At, siyempre nananatili pa rin si Sinas sa NCRPO.

==
Tumawag o magtext lang po kayo sa 09985650271
292

Related posts

Leave a Comment