Ugat ng kademonyohan sa PhilHealth – Defensor ALL CASE RATE DAPAT ALISIN

KAILANGANG alisin na ang all case rate policy na ipinatutupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil ito umano ang ugat ng kademonyohan sa nasabing ahensya na
nangangasiwa sa pondong pangkalusugan ng mamamayang Filipino.

Ito ang iginiit ni House committee on public account chairman Mike Defensor ng Anakalusugan party-list at kailangang ibasura rin aniya ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) dahil
supling umano ito ng katiwalian sa all case rate policy.

“The case or package rate system is the root of all evil and corruption in PhilHealth. IRM is its offspring,” ani Defensor kaya sa lalong madaling panahon ay dapat ibasura ang polisiyang ito bago
pa man maubos ng mafia ang pondong pangkalusugan ng mamamayan.

Ang all case o package rate system ay unang ipinatupad noong 2013, panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Sa ilalim ng nasabing sistema, binabayaran ng PhilHealth ang buong treatment package cost sa mga ospital kahit hindi naman ito nagastos lahat ng ginamot na pasyente.

Ayon kay Defensor, base mismo sa mga opisyal na dumalo sa pagdinig ng nasabing komite sa mga katiwalian sa PhilHealth, posible itong nangyayari dahil nakadepende lamang sila sa report ng mga pagamutan na binigyan nila ng advance payment para sa mga COVID-19 patient na kanilang gagamutin.

“This opens the floodgates for a free-for-all bonanza of fraud and corruption. Even now, there are more covid reimbursement claims in the Ilocos, Southern Luzon and Western Visayas regions than actual cases recorded by the Department of Health,” ani Defensor.

‘DI KUWALIPIKADO?

Samantala, hindi umano kuwalipikado ang ilan sa mga opisyal ng PhilHealth kaya nagkawindang- windang ang pondo nito.

Dahil dito, hiniling ni House deputy majority leader Bernadeth Herrera sa Governance Commission on Government-Owned and -Controlled Corporations (GCG) na rebyuhin ang qualification ng mga nakaupong opisyales ng PhilHealth kung nararapat ba silang manatili sa kanilang puwesto o hindi.

“Amid the corruption and mismanagement issues hounding PhilHealth, it is only proper that the GCG review the qualifications of its officials to find out if they are compliant with the ‘fit and
proper’ rule, meaning they have the integrity, experience, education, training and competence to perform their duties and responsibilities,” ani Herrera.

Ginawa ni Herrera ang pahayag matapos lumabas sa pagdinig ng House committee on public account na ilan sa mga opisyal ng ahensya ay hindi kuwalipikado sa hawak nilang posisyon.

Inihalimbawa ng mambabatas ang ginawang pagbabago ng PhilHealth sa kuwalipikasyon ng executive vice president and chief operating officer para ma-accommodate lamang si Arnel de
Jesus, kahit hindi kuwalipikado. (BERNARD TAGUINOD)

190

Related posts

Leave a Comment