BALIK-TANAW SA MGA BALITANG WOW
(Pilosopong Teryo)
NOONG ika-11 ng Abril 1867, ipinanganak sa Camiling, Tarlac, si Leonor Rivera, ang kauna-unahang kasintahan ni Dr. Jose Rizal na naging modelo ng karakter ni Maria Clara sa Noli Me Tangere.
Si Leonor ay anak ng panginoong maylupa na tiyuhin ni Rizal (si Francisco Mercado na ama ni Rizal ay pinsan ni Antonio Rivera, na ama ni Leonor) na nagma-may-ari ng Casa Tomasina sa Intramuros kung saan tumira si Rizal noong “junior year” niya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Si Leonor naman noon ay estudyante ng La Concordia College kung saan din nag-aaral si Soledad (bunsong kapatid ni Rizal).
Si Leonor ay kaakit-akit, may malambot na halos ay esponghadang buhok, kaakit-akit na “dimples”, at mapang-akit na boses sa pag-awit. Si Leonor ay matalino at marunong tumugtog ng piano.
Siya ay hindi pala-imik at malumanay magsalita, na ayon kay Rizal ay mga huwarang katangian ng isang babae.
Bago pa man mag-aral sa ibang bansa si Rizal, nakatali na ang mag-sing-irog sa pangakong pagmamahalan, ngunit nababalisa si Rizal kapag iniisip niya ang maagang pag-aasawa dahil ayaw ng kanyang mga kapatid na dalaga na magkaroon ng kasamang hipag sa kanilang tahanan na makakadagdag sa pangangalaga sa bahay ngunit hindi naman sinanay na pasanin ang ganoong bahagi ng pangangalaga ng bahay sa kanila. Maging si Paciano na pabor ay inisip na masisira ng kanyang nakababatang kapatid, ang kanyang karera sa pag-aaral kung aatupagin agad ang pag-aasawa.
Kaya’t habang pinag-mumuni-muni ang malagong na pag-asa, si Rizal ay tumulak pa-Europa upang magkaroon ng pagkakataong kumita na magpapahintulot sa kanya na pakasalan si Leonor. Si Leonor ay laging nasa isip ni Rizal at ang kanyang mahahabang liham ay madalas na ipinadadala sa koreo sa araw-araw ng kanyang unang taon sa Europa. Subalit iilan lamang ang pinakamaagang nakararating kay Leonor.
Iilan ang mga tugon din lamang na dumating sa mga kamay ni Rizal. Kahit na nga si Leonor ay may pantay at tapat na pagmamahal, bilang siyang larawan ng matibay na pangakong-pagmamahalang halos ay tinaguriang isang kasulatang-sumpaan. Nang ang dalawa ay naging magsing-irog, si Rizal ay labing-siyam lang ang edad at si Leonor naman ay may labing tatlong taong gulang pa lang.
Iminungkahi sa ina ni Leonor ng mga pari na para sa ikabubuti ng ispiritualidad ng kanyang anak at interes ng kanyang kaligayahan, ay hindi siya dapat na maging asawa ng lalaking tulad ni Rizal, na kasuklam-suklam sa Simbahan at hindi pabor sa pamahalaan. Kaya’t unti-unting pinigil ni Gng. Silvestre Bauzon Rivera ( ina ni Leonor) ang mga sulat sa magkabilang panig, hanggang sa tuluyang tumigil, habang patuloy na iminungkahi sa malungkot na batang babae na nakalimutan na siya ng kanyang kasintahang si Rizal sa gitna ng mga kaguluhan sa Europa.
Pagkatapos ay dumating sa eksena ang isang lalaki na sinamahan ng kanyang ina at ng iba pa sa paghimok sa kanya bilang asawa – isang Ingles na inhinyero na si Henry Kipping. Naganap ang kanilang kasal at nang bumalik si Rizal mula sa Europa ay nalaman niya kung paano siya nalinlang. Hiniling niya ang mga liham na ipinagkait kay Leonor, at nang sabihin ni Leonor na bilang may asawa ay hindi na siya maaaring magtago ng mga liham ng pag-ibig mula sa sinoman maliban sa kanyang asawa. Dahil dito ay napilitang makiusap si Leonor na sunugin ang mga ito at ibigay na lamang sa kanya ang mga abo.
