UNTI-UNTING PAGBUBUKAS NG KOLEHIYO, SUPORTADO SA SENADO

SUPORTADO ni Senador Joel Villanueva ang desisyon ng gobyerno na unti-unti na ring buksan ang mga kolehiyo para sa face-to-face classes na sisimulan sa health at medical courses.

“For as long as it is safe, limited, and complies with health protocols, I see no problem in the joint decision of CHED and DOH to slowly resume classroom learning,” saad ni Villanueva.

“And it is good that this will be piloted in the hospital setting because the people there will be the first to insist that measures be strictly followed to keep this mode of instruction safe for all,” dagdag ng senador.

Ipinaliwanag ng senador na ang medical schools ay dapat na mapagkakatiwalaan na magkaroon ng sapat at tamang kaalaman na kadalasang napag-aaralan sa pamamagitan ng hands on learning.

Iginiit ni Villanueva na may limitasyon ang distance learning lalo na sa practical application ng teorya na dapat gawin sa laboratoryo o workshop setting.

“But face-to-face instruction should not be at the expense of the student’s health and wellbeing. I think that is the number one rule that cannot be compromised as we inch back to conventional classes,” diin ng chairman ng Senate Committee on Higher and Technical Education.

“Hindi po dapat seatmate or naka sit-in si covid,” dagdag pa ni Villanueva.

“Mas mabuti po siguro na may isang hiwalay na memorandum sa pagitan ng DOH at TESDA kung papaano sisimulan ang face-to-face tech-voc classes. Hindi ka naman po pwedeng matutong manahi, mag-welding, mag-operate ng heavy equipment sa kapapanood lamang ng YouTube,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

124

Related posts

Leave a Comment