UP CUM LAUDE, 4 PA PATAY SA ENCOUNTER

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang UP cum laude graduate na minsan nang nahuli at ipinagharap ng kasong human trafficking ng indigenous people sa Cebu.

Kabilang si Chad Booc sa limang napaslang ng military sa engkwentro sa Purok-8, Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat ng military, nakasagupa ng 1001st Infantry Brigade ang pangkat ng Communist Terrorist Group’s (CTGs) Regional Headquarters, Southern Mindanao Regional Committee (RHQ, SMRC) na pinamumunuan ni Eric Jun Casilao alyas “Wally/Ellan” at Regional Operations Command, SMRC (ROC, SMRC), sa ilalim ng pamumuno ni Leo Lacumbo alyas “Ole”.

Ayon kay 10th Infantry “Agila” Division Commander MGen Nolasco Mempin, nagresulta ang serye ng sagupaan sa pagkamatay ng limang CTG members at pagkasugat ng marami pang CPP-NPA cadre.

Kinilala ni MGen Mempin ang mga napaslang na sina Jojarain Alce Naguho II alyas “Rain”, Chad Booc, isang alyas “Daday” at dalawang hindi pa nakikilalang male terrorists.

Sa pagtakas ng mga rebelde ay na-recover ng humahabol na mga sundalo ang isang M653 rifle, at isang caliber .45 pistol.

Magugunitang noong Pebrero 15, 2021, si Chad Booc ay kabilang sa mga personalidad na inaresto sa Bakwit school sa San Carlos University – Talamban Campus sa Cebu City dahil sa kasong trafficking ng indigenous people mula Talaingod, Davao del Norte. Si Booc ay pinawalan ng korte kasama ng anim na iba pa base sa inilabas na desisyon ng korte sa Cebu.

Ayon sa datos ng military, si Booc ay nagtapos ng cum laude sa UP Diliman na may degree na Bachelor of Computer Science. (JESSE KABEL)

199

Related posts

Leave a Comment