MULA sa University of the Philippines ang topnotcher sa 2024 Bar examinations.
Ang College of Law graduate na si Kyle Christian Tutor ang nanguna sa pagsusulit, anunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Biyernes.
Ayon kay SC Associate Justice Mario Lopez, Bar 2024 chairperson, nakakuha si Tutor ng score na 85.77 percent.
Nakasaad sa kanyang LinkedIn profile, pumasok si Tutor sa UP Law noong 2019, dalawang taon matapos niyang makuha ang kanyang bachelor’s degree sa Political Science mula sa parehong unibersidad. Habang nasa UP Law, nagsilbi siya bilang vice chair ng Philippine Law Journal. Halos Mahigit 37 percent o mahigit 3,000 lang ang nakapasa sa 10,490 examinees.
Nasa ibaba ang listahan ng 21 indibidwal, na pinangungunahan ng UP Law at Ateneo graduates, na nakakuha ng pinakamataas na marka sa 2024 Bar exams:
Top 1 – Kyle Christian Tutor (UP Law)
Top 2 – Maria Christina Aniceto (Ateneo)
Top 3 – Gerald Roxas (Angeles University Foundation)
Top 4 – John Philippe Chua (UP Law)
Top 5 – Jet Nicolas (UP Law)
Top 6 – Maria Lovelyn Joyce Quebrar (UP Law)
Top 7 – Kyle Isaguirre (Ateneo)
Top 8 – Joji Macadine (University of Mindanao)
Top 9 – Gregorio Torres (western Mindanao State University)
Top 10 – Raya Villacorta (San Beda)
Top 11 – Paolo Antonio Gerpacio (University)
Top 12 – Andrea Ambray (UST)
Top 13 – Marielle Macarilay (Ateneo)
Top 14 – John Daniel Hamoy (University of San Carlos)
Top 15 – Therese Garcia (Ateneo)
Top 16 – Recel Elumba (Jose Rizal Memorial State University)
Top 17 – Rieland Cuevas (UP Law)
Top 18 – Betlee-Kyle Barraquias (Ateneo)
Top 19 – Steve Barredo (University of St. Lasalle)
Top 20 – Pierre Reque (UST) at Kenneth Lijauco (UP Law)
Mahigit 12,000 ang nagparehistro para kumuha ng Bar exams ngayong taon ngunit humigit-kumulang 10,000 lamang ang kumuha at nakatapos ng mga pagsusulit.
