QUEZON – Patay ang isang ginang sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Manggalang 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng Sariaya Police ang biktimang si Connie Perez Sanota, 43 -anyos, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng Sariaya PNP, bandang alas-8:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ngunit habang binabaybay ang barangay road ay nakasagian nito ang kasalubong na nakamotorsiklo na minamaneho ni Nick Enriquez De Guzman, 30-anyos, residente rin ng nasabing barangay.
Natumba ang motorsiklo ni Sanota at tumama ang ulo nito sa sementadong kalsada.
Agad namang nagresponde ang barangay rescue patrol at isinugod ang biktima sa San Juan Doctors Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Tumakas naman ang driver ng nakabanggaang motorsiklo at iniwan ang biktima ngunit napag-alaman mula sa mga saksi na nagtungo ang suspek sa tirahan ng ginang.
Kapwa nagpahayag ng intensyon ang magkabilang panig na makipagkasundo sa usapin. (NILOU DEL CARMEN)
73