WALA munang entrance exam o UPCAT ngayong papasok na 2021-2022 na academic school year.
Ito ang napagdesisyunan ng University Councils (UCs) na kinabibilangan ng walong unibersidad ng University of the Philippines.
“There will be no UP College Admission Test (UPCAT) for the intake of first year students in Academic Year 2021-2022. The results of the Special UC Meetings of UP Diliman and UP Manila and of the referendums of the other CUs were submitted to the UP Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA),” pahayag ng UP.
Pero kailangan pa rin magsumite ng UPCAT Application form at Transcript of Records ang mga gustong pumasok ng UP.
Titingnan din ng UP ang estado sa buhay ng aplikante.
Paliwanag ng UP, ito’y dahil na rin sa banta ng COVID-19 sa mga estudyante.
Posibleng ang mga upuan mga papel o lapis ay maging dahilan pa ng pagkakahawa-hawa.
Sa ngayon ay aayusin na lang ng UP Office of Admission ang mga bagong alituntunin sa mga gustong pumasok sa UP. (CHRISTIAN DALE)
