ISANG mas luntiang University of the Philippines – Los Baños campus ang inaasahan sa pag-arangkada ng Electronic Los Baños Jeepney (eLBeep) na magiging pangunahing pampublikong sasakyan sa loob ng pasilidad ng pamantasan.
Sinabi ni Los Baños Mayor Antonio Kalaw, hindi lamang ginhawa sa mga guro at mag-aaral ang dalang buti ng eLBeep. Aniya, malaking kabawasan sa ibinubugang polusyon (tulad na gas emission, air at noise pollution) ng mga pangkaraniwang dyip, ang paglulunsad ng tinawag niyang environment-friendly public transportation.
Ayon naman sa pamunuan ng pamantasan, hangad ng academic community sa kauna-unahang electronic jeep ang isulong ang mas ligtas na hangin, luntiang kapaligiran at episyenteng sasakyang hahalili sa mga sasakyang nagbubuga ng mapaminsalang usok.
Bukod sa eLBeep, target din ng pamunuan ng unibersidad na magkaroon ng e-bikes at electric scooter sa sa UPLB campus.
Binigyang pagkilala rin ng alkalde ang UPLB sa aniya’y green project na kakanlong sa mga residente ng nasabing lokalidad. (CYRIL QUILO)
