USEC EGCO ET AL KINASUHAN SA ALITAN SA LUPA

SINAMPAHAN ng dalawang kaso sa Cabanatuan City Prosecutors’ Office si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief, at Spokesperson for National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Jose Joel Sy Egco at iba pa dahil sa umano’y pananakop ng lupa ng iba.

Ayon kay Bethzaida Pelias Lactao, kapatid nina Noe Pelias at Ian Pelias, nagtungo sila sa Cabanatuan City Prosecutors’ Office noong Biyernes, Mayo 12, 2023 para isampa ang kasong malicious mischief (Art. 328) at trespass to property (Art. 280 and 281; both of Revised Penal Code) laban kina Jose Joel Sy Egco, Lilia Sy Egco, Melvin Santiago Dantes at John Does matapos pasukin, sirain ang bakod at bakuran ang lupa ng mga Pelias sa Purok 6, Brgy. San Carlos, Cabiao, Nueva Ecija noong Mayo 9, 2023.

Batay sa sinumpaang salaysay ng magkakapatid, bukod sa pagsira ng kanilang bakod, ay pinagpuputol pa ng mga ito ang mga puno na nakatanim sa kanilang property.Ayon pa sa kanya, sinamantala nina Egco kasama ng kanilang ilang mga tauhan na pasukin, sirain ang kanilang bakod at bakuran nila ng alambre ang lupa na pag-aari ng kanilang pamilya.

Sinabi pa niya na dinaan umano sa dami nina Egco ang pwersahang pagpasok sa pag-aari nilang lupa.

Idinagdag pa ng pamilya Pelias, ang pamilyang Egco ay nagpapagawa ng pabahay sa Purok 6, Brgy. San Carlos na katabi lamang ng kanilang lupa kung saan ay nabigla na lamang sila na pati ang ilang bahagi ng kanilang property ay sinakop na ng dating PCOO Usec at PTFoMS chief.

 Nakapaloob pa sa reklamo ng mga Pelias na ang nasabing lupa ay 50-taon na nilang pag-aari mula pa noong panahon pa ng kanilang mga magulang kung kaya’t nabigla na lamang sila na sinasabi ng pamilyang Egco na pag-aari na nila ito. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

227

Related posts

Leave a Comment