UTANG NG PHILHEALTH SA MGA OSPITAL DAPAT BAYARAN AGAD

PINUNA ni Iligan City Rep. Frederick W. Siao ang mabagal na pag-remit sa mga ospital ng mga reimbursement para sa mga naibigay nang serbisyo sa mga nag-avail ng PhilHealth coverage.

“Hindi lang sa Philippine Red Cross may utang ang PhilHealth. Marami ring utang ang PhilHealth sa mga ospital,” ani Congressman Siao.
Sinabi pa ng mambabatas na nauunawaan niyang sinisigurado ng PhilHealth na totoo ang mga nakasaad sa remittance claims ng mga ospital, ngunit dapat isipin nito na mas maraming ospital ang sumusunod naman sa PhilHealth standards.

“Compliant medical facilities should not suffer because of the few who do not comply or violate the standards,” punto ni Siao.

Inungkat ni Siao ang isyung ito habang binabalangkas ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang isang consolidated bill para sa propesyon ng nursing.
Sampung panukalang batas ang pinag-iisa ngayon ng isang technical working group na pinamumunuan ni Congresswoman Joy Myra Tambunting ng Paranaque City Second District. (CESAR BARQUILLA)

104

Related posts

Leave a Comment