CAMARINES SUR – Arestado ang kapatid ng tinaguriang “shabu queen” sa operasyon ng mga otoridad na nagsilbi ng search warrant laban sa una sa bayan ng Canaman.
Dinakip si Virgilio Natividad, ng Brgy. San Agustin, Canaman, Camarines Sur, na ayon kay PCapt. Bienvenido Encisco, hepe ng Canaman-PNP, ay nakumpiskahan ng 11 pakete ng pinaniniwalaang
shabu na nagkakahalaga ng P10, 000.00, at mga drug paraphernalia.
Sinabi ng mga otoridad na una nang sumuko ang suspek pero nalaman nilang bumalik ito sa dating ilegal na gawain.
Nabatid na si Virgilio ay kapatid ni Loida Natividad y Cleofe, alyas “Shabu Queen,” 60-anyos, ng Zone 7, Victoria Heights Subd., Brgy. San Agustin, Canaman, Camarines Sur.
Nahuli si Loida nitong nakalipas na Mayo sa kanyang bahay at nakumpiskahan ng 27 sachet ng shabu na tinatayang may street value na P850,000.00. (ANNIE PINEDA)
192
