VACCINATION DATABASE, PINAMAMADALI

PINAMAMADALI na ni Senador Leila de Lima sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbuo ng national vaccine database ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Iginiit ni de Lima sa kanyang Senate Resolution 857 na dapat magtulungan ang DICT, Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng national vaccine database upang maiwasan ang pamemeke ng vaccination cards at matiyak na hindi mahihirapan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ipinaliwanag ng senadora na dahil sa kawalan ng central at national database at ng maayos na sistema ng pagpapalabas ng vaccination cards ng mga LGU, mas malaking problema  ang pagtukoy kung authentic ang vaccination cards.

Sinabi ni de Lima na may naiulat na rin sa Muntinlupa City na mga tiwaling nagbebenta ng pekeng vaccination cards sa ilang computer shops.

Una na ring inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na hindi tinatanggap sa Hong Kong ang locally issued vaccination cards dahil hindi ito konektado sa isang single source.

Iginiit ng senador na malaking tulong ang national database upang matugunan ng Pilipinas ang mga requirement din ng ibang bansa pagdating sa pagtanggap ng vaccination cards. (DANG SAMSON-GARCIA)

151

Related posts

Leave a Comment