VAPE SA KABATAAN HIHIGPITAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NABABAHALA si Senador Bong Go sa posibleng kaso ng E-Cigarette or Vaping Product Use-Associated Lung Injury (EVALI) sa bansa.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may binabantayan silang ganitong kaso sa Central Visayas.
“Bagama’t pinag-aaralan pa ito ng DOH at considered “probable cause” pa lang ang vaping, I echo Sec (Francisco) Duque’s advice for users to refrain from using vapes or e-cigarettes as the knowledge on the products is still limited,” saad ni Go.

“Klaruhin ko lang po para sa kaalaman ng publiko na ang vaping ay posibleng makasama sa kalusugan, lalo na kapag menor de edad ang gumagamit. Kahit po sabihin na less harmful iyan sa normal na paninigarilyo, may posibilidad na harmful pa rin po iyan sa kalusugan at nakakabahala rin ang epekto nito sa katabi o kasama ng gumagamit,” dagdag ng senador.

Iginiit ni Go na kailangan nnag magkaroon ng mas mahigpit na polisiya sa pagbebenta at paggamit ng vape lalo na sa kabataan.

“Ipinaalala pa nito na ang kalusugan ay tanging puhunan natin para sa magandang kinabukasan, kung kaya’t tulad ng posisyon ng ating mahal na Presidente, we oppose the unregulated use of these products and how it is easily accessed by minors,” paliwanag nito.

“Bibigyan natin ng importansya ang kapakanan ng kabataan at karapatan ng katabi o kasamahan na apektado na mabuhay ng matiwasay at malusog. Hinihikayat ko kayo na iwasan ang paggamit ng ganitong produkto dahil ang ganitong uri ng bisyo ay sanhi ng adiksyon at posibleng makakaapekto sa katabi o kapwa tao,” giit pa ng mambabatas.

Sa ngayon anya ay hindi naipatutupad ang DOH Administrative Order 2019-0007 o “Revised Rules and Regulations on Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery System” dahil sa temporary restraining order ng korte sa Pasig City.

“Sa kabila ng pagka-TRO ng AO NO. 2019-0007 ng DOH at habang walang pang panukalang batas na naipapasa sa Kongreso, I will recommend to President Duterte to issue an executive order regulating the manufacturing, distribution, sale and use of all types of e-cigarettes,” saad ni Go.

 

265

Related posts

Leave a Comment