VICE MAYOR, KONSEHAL SA QUEZON SUGATAN SA VEHICULAR ACCIDENT

QUEZON – Sugatan ang vice mayor at konsehal ng bayan ng Pitogo sa lalawigang ito makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng kuryente at sa pader ng isang bahay sa Brgy. Amontray sa nasabing bayan.

Ayon sa report ng Pitogo Police, minamaneho ni Vice Mayor Paul Timothy Villaflor, 42, ang kanyang SUV at pasahero ang konsehal na si Alexander Mosquite, 43, patungo sa bayan ng Gumaca.

Ngunit pagsapit sa isang kurbada sa Brgy. Amontray, ay mawalan ito ng kontrol  sa manibela.

Sumalpok muna ang sasakyan  sa poste ng koryente bago ito bumangga  sa pader ng isang bahay sa gilid ng highway.

Mabilis na isinugod ng mga tauhan ng Pitogo MDRRMO ang mga biktimang sugatan sa isang ospital sa bayan ng Gumaca.

Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng sasakyan kaya nag-overshoot ito sa kurbada na naging dahilan ng insidente. (NILOU DEL CARMEN)

223

Related posts

Leave a Comment