5 SUGATAN SA SUNOG SA CALAMBA CITY

LAGUNA – Sugatan limang miyembro ng pamilya kabilang ang dalawang bata, makaraang masunog ang isang commercial establishment sa Brgy. Makiling, Calamba City sa lalawigang ito noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa report ng Calamba City Police, nagsimula ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Idineklarang fire-out ng Calamba BFP ang sunog makaraan ang isa’t kalahating oras.

Agad isinugod sa ospital ang caretaker ng establishment na si Rolando Oliver, 27, maybahay nito na si Hanna Rose,  27, at mga anak nilang isang 4-anyos at isang 6-anyos, at ang isa pa nilang kapamilya na si Justine Oliver, pawang dumanas ng 1st at 2nd degree burns.

Lumalabas sa imbestigasyon, nakulong ang mga biktima sa nasunog na establishment bago sila nailigtas ng sumaklolong mga tauhan ng BFP.

Inaalam pa ng Calamba BFP ang posibleng pinagsimulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala. (NILOU DEL CARMEN)

196

Related posts

Leave a Comment