VIETNAMESE FISHERMEN PUMASOK SA TERITORYO NG PINAS

HINDI nakapalag at sumunod na lamang sa utos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Vietnamese makaraang mamataan ang mga ito sa karagatan ng Pilipinas, kasabay ng mas pinalakas na presensya at pagpapatrolya ng mga awtoridad sa West Philippine Sea partikular sa Kalayaan Island group.

Base sa ulat ng PCG, agad silang nagpadala ng radio challenge sa Vietnamese fishing vessel at inatasang lisanin ang loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Agad din anilang inilabas ng coast guard ang kanilang rigid hull inflatable hauls para inspeksyunin ang naturang sasakyang pandagat.

Umalis naman ang fishing vessel at sumunod sa utos ng PCG na kasama ang BRP Teresa Magbanua. (RENE CRISOSTOMO)

190

Related posts

Leave a Comment