PASAY CITY — Binati ni Sen. Mark Villar ang Philippine delegation sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan, matapos mag-uwi ang bansa ng 29 medalya—apat na ginto, siyam na pilak at 16 na tanso.
Ayon kay Villar, patunay ang performance ng mga atleta sa malaking potensiyal ng mga Pilipino sa sports.
Kasabay nito, isinusulong ni Villar ang Senate Bill No. 2531 o “Roadmap for Sports Excellence Act,” na naglalayong magtatag ng 20-taong pambansang balangkas para sa sports development.
Sa ilalim ng panukala, bubuo ang Philippine Sports Commission, kasama ang Philippine Olympic Committee at National Academy for Sports, ng long-term Sports Excellence Roadmap para sa grassroots talent identification, training, competition assistance at paghahanda ng mga atleta para sa international competitions.
Layunin din ng panukala na palakasin ang suporta sa mga atleta sa pamamagitan ng scholarships, sports science, healthcare at nutrition, training facilities, equipment, benefits at incentives at public-private partnerships.
Sinabi ni Villar na dapat magsilbing inspirasyon ang performance ng Pilipinas sa Asian Games upang higit pang mamuhunan sa susunod na henerasyon ng mga atleta, kabilang ang paghahanda para sa 2028 Los Angeles Olympics.
(DANNY BACOLOD)
72 