TINUTUKAN ni Senator-Judge Camille Villar ang saklaw at status ng Audit Observation Memorandum (AOM) ng Commission on Audit (COA) sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules.
Sa pagtatanong ni Villar kay Office of the Vice President (OVP) Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, lumitaw na walang tahasang binanggit na “misuse or misappropriation” ng pondo sa naturang AOM.
Kinumpirma rin ni Ortonio na hindi pa pinal ang findings na nakapaloob sa audit memorandum.
Inusisa rin ni Villar kung nakapagsumite ang OVP ng tugon at supporting documents upang sagutin ang mga concern na inilatag ng COA.
Sumagot si Ortonio na nakapagbigay ang OVP ng kaukulang paliwanag at mga dokumento.
Sa pagpapatuloy ng pagtatanong ni Villar, sinabi rin ni Ortonio na may ilang isyung nakasaad sa AOM na kalaunan ay hindi na isinama sa Notice of Disallowance.
Naging sentro ng interpellation ni Villar ang pagkakaiba ng mga obserbasyong unang inilatag ng COA sa AOM at ng mga usaping nanatili sa sumunod na audit action.
Bahagi ang testimonya ni Ortonio sa patuloy na pagdinig ng impeachment court sa mga alegasyon kaugnay ng paggamit ng confidential funds ng OVP.
Wala pang pinal na desisyon ang impeachment court sa mga alegasyong inihaharap laban kay Vice President Duterte.
(DANNY BACOLOD)
99 