(NI BETH JULIAN)
APRUB na ni Pangulong Rodigo Duterte ang panukala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na gawing requirement ang pagtatatak ng stamp ng Philippine visa sa mismong passports ng mga dumarating na Chinese bago pumasok sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, ang rekomendasyon ni Locsin ay inaprubahan ng Pangulo sa 40th Cabinet meeting, Lunes ng gabi sa Malacanang.
Nakapaloob sa panukala ni Locsin, na kakailangang sa lagyan ng stamp ang passport ng mga Chinese sa halip na ilagay lamang sa isang pirasong papel.
Ayon kay Panelo, tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahigpit na babantayan ng Department of Justice (DOJ) ang mga turistang Chinese na nananatili sa bansa.
Ipinangako ng Guevarra na paiigtingin ng Bureau of Immigration ang immigration laws sakaling overstaying na ang mga Chinese sa Pilipinas.
Ang Philippine visa ay logo ng mapa ng Pilipinas kabilang ang ilang bahagi na inaangkin ng China, ayon pa kay Panelo.
Ang hakbang ng gobyerno ay upang igiit sa China na pag-aari ng Pilipinas ang inaangking mga isla sa West Philippine Sea kung saan napasok na ang exclusive economic zone ng West Philippine Sea.
