‘WAG SAYANGIN PAGKAKATAON NA MAIBALIK SA MAYNILA ANG SERBISYONG ISKO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA

Tapatan na ito, real talk na tayo!

Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso vs Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan para sa pagka-alkalde ng Maynila sa May 12 midterm elections.

Sino ba talaga ang totoong nagmamahal at magtataguyod ng kapakanan ng Manilenyo?

Ito ang dapat na sagutin ng mga botante: sino kina Yorme Isko at Mayora Honey ang may sapat na karanasan, katapatan at pagtitiwalang pamunuan ang pamahalaang lungsod ng Maynila?

Si Isko, dating three-term city councilor, dating three term vice mayor, one termer mayor at dating DSWD undersecretary.

Naipakita ni Isko na tunay siyang public servant na may very impressive track record of real service.

Lumaki sa hirap: naging basurero, traysikad driver, at naging estibador-kargador din tulad ng kanyang ama, at nasanay sa pagkaing pagpag na mula sa itinapong pagkain sa restoran na nililinis at masarap na niluluto ng kanyang inang si Rosario na labandera at tindera ng kung ano-ano na pwedeng pagkakitaan nang marangal.

E si Mayora Honey, naging city councilor, two time-vice mayor at incumbent Manila mayor nga — pero walang gaanong maipagmamalaking development na nagawa sa Maynila.

Yes, kapwa may matunog na pangalan, si Mayora Honey na namana ang kasikatan sa kanyang ama, si Atty. Danilo Lacuna na ‘di pinalad maging mayor ng Maynila.

E si Isko, tumanyag sa nalikhang pangalan sa sariling sikap, at naging popular bilang artista, at kilalang mahusay na alkalde sa panahon ng pandemyang COVID na nagligtas ng maraming buhay, maging ng residenteng hindi Manilenyo.

Yes, this election, dear Manilenyo, is about trust, accountability, and proven leadership.

Si Yorme Isko ay may katangi-tanging nagawa sa Maynila, ilan sa marami ay ito:

Mas pinalawak na programa sa Manilenyo.

Maging si Mayor Honey ay saksi sa hindi malilimutang masigasig na kilos laban sa nakamamatay na COVID-19 sa panahon ng unang panunungkulan ni Yorme Isko.

Maynila ang unang nakakuha ng mga gamot at iniksiyon laban sa pandemyang COVID -19; pagpapabuti ng serbisyo at pasilidad ng mga ospital sa siyudad at ang ipinatayong Manila COVID-19 Field Hospital na nagligtas ng maraming buhay.

Financial and educational assistance programs at alawans na P1000 a month sa college students ng Pamantasang Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila at P500 sa mga mag-aaral na Batang Maynila.

Alwanses sa seniors, PWDs, solo parents, at livelihood grants.

Mas madaling maabot at makamit na serbisyo sa mga barangay, at makalilimutan ba ang mabilis na disaster preparedness na maging ang LGU sa Visaya, Mindanao ay naabot ng tulong ng Manila City Government.

At kahit sariling pera na kinita sa product endorsement ay idinodonasyon sa mga biktima ng kalamidad, lindol at iba pa.

Advocated for good governance reforms to ensure that public funds are properly allocated and free from corruption.

Kampeon si Isko sa mga polisiya na makamasa, hindi ng mga elitistang politiko.

Nauunawaan ni Isko ang pakikibaka laban sa kahirapan sapagkat mula siya sa lugmok sa kahirapan na pamilya mula sa Antique.

Lumaki si Isko sa slums ng Tondo, alam niya ang salita at galaw ng mahihirap, pero si Mayora — ay disconnected siya sa paghihirap ng karaniwang tao, kaya pala nang maupo sa city hall, walang gaanong galaw upang mapaginhawa ang buhay Manilenyo.

Basura nga lang at trapik ay hindi niya maasikaso, kaya nga ang Maynila ay isa sa lungsod na hindi makasabay sa kapwa siyudad sa Metro Manila.

Kung hindi kilala ni Mayora ang galaw, salita at ugali ng maraming Manilenyong lumaki sa hirap, hindi na nakapagtataka na ang dating sigla ng lungsod na pinalakas sa panahon ni Yorme Isko, ito ngayon ay dugyot, marumi, mabaho at usad pagong.

The people of Manila deserves Isko Moreno, at bakit?

🔹 Yorme Isko is experienced in governance

🔹 Mantra at dedikasyon niya ay ibalik ang dating dangal at kadakilaan ng Maynila — na nagawa niya noon at sa pagbabalik sa city hall, maibabalik niya ang dating glorya ng lungsod bilang kabisera ng bansa.

🔹 Isko is dedicated to serving the city — not indulging in black propaganda.

Sabi nga ni Yorme, magsasawa sila sa paninira, magkalat man sila ng kasinungalingan, alam ng Manilenyo ang totoo, at ang totoo, maunlad ang Maynila sa panahon ni Isko.

Ngayon, alam ng Manilenyo, walang pagbabago, manapa ay nawala ang sigla ng kabuhayan at buhay ng lungsod.

Kaya ang sigaw: Ibalik si Isko. Ibalik ang glorya ng Maynila at si Yorme ang makagagawa nito.

This election is the leader who understands hard work and public service.

Malinaw ang pagpipilian: ‘Yun ay ang lalaking may napatunayan na, nakapaglingkod na nang maayos at matapat.

Isko is a trusted leader for he has already served the Manileños.

Yorme Isko is a leader with experience and integrity.

Naramdaman na ito, natikman na ng Manilenyo ang mahusay na serbisyong Isko.

‘Wag nang hayaang masayang pa ang pagkakataon pa na maibalik ang matino, maayos na paglilingkod publiko.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon, sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.

8

Related posts

Leave a Comment