Wala nang bawian MM, 6 PANG LUGAR GCQ SA BUONG NOB

PINANINDIGAN ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang desisyon nitong isailalim ang Metro Manila at 6 na iba pang lugar sa general community quarantine (GCQ) para sa buong buwan ng Nobyembre.

Bukod sa Metro Manila, ang mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Tacloban at Iligan, at maging ang lalawigan ng Batangas at Lanao del Sur ay isinailalim din sa GCQ mula Nobyembre 1 hanggang 30.

Mananatili naman sa MGCQ ang mga probinsya at lugar sa mga nalalabing bahagi ng Pilipinas.

Araw ng Martes nang ianunsyo ni Pangulong Duterte na muling ilalagay sa maluwag-luwag na general community quarantine (GCQ) ang Kalakhang Maynila nang [30 araw] bilang tugon ng gobyerno sa hindi pa rin matigil-tigil na coronavirus disease (COVID-19).

Epektibo ang nga naturang klasipikasyon simula ika-1 ng Nobyembre. (CHRISTIAN DALE)

180

Related posts

Leave a Comment