Walang epekto sa uutanging Covid vaccine DIPLOMATIC PROTEST INIHAIN SA CHINA

KUMBINSIDO ang Malakanyang na walang epekto sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China para sa COVID-19 vaccine ang muling paghahain ng pamahalaan ng diplomatic protest laban sa

China dahil sa pagkumpiska ng fish aggregative devices na ikinabit ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough o Panatag Shoal sa West Philippines Sea.

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, ginagawa naman talaga ng mga diplomats ang paghahain ng protesta sa bansang sa tingin nila ay lumabag sa soberenya ng Pilipinas.

“Hindi naman po no. Yang mga protests naman ginagawa talaga yan ng ating mga diplomats kung Sa ulat, muling naghain ang pamahalaan ng diplomatic protest laban sa China dahil sa insidente noong Mayo, 124 nautical miles malapit sa isla ng Palawan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang ginawang pagkuha ng Chinese Coast Guard sa mga device na mas kilala bilang ‘payao’ ay ilegal.

Bukod dito, mariin ding tinututulan ng DFA ang patuloy na pagraradyo ng China laban sa Philippine Aircraft na nagsasagawa ng lehitimo at regular na maritime patrols sa West Philippines Sea.

Batay sa desisyon ng 2016 ruling ng arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands, ang Scarborough Shoal ay itinuturing na traditional fishing ground para sa mga Filipino, Vietnamese at Chinese Fishermen.

Sa ngayon, hindi pa rin kinikilala ng China ang ruling at iginiit na bahagi ng kanilang teritoryo ang Scarborough na 472 nautical miles mula sa coastal province ng China na Hainan. (CHRISTIAN  DALE)

143

Related posts

Leave a Comment