WALANG KOMPRONTASYON SA PAGHARANG NG CONVOY NG MILF – PNP

NILINAW ng Philippine National Police na walang nangyaring komprontasyon sa pagharang ng mga pulis at sundalo sa convoy ng MILF.

Miyerkoles dakong alas-7:30 ng umaga ay hinarang sa checkpoint ng Barangay Libertad Kolambugan, Lanao del Sur ang MILF 131st Brigade na binubuo ng 23 sasakyan at limang motorsiklo.

Hindi naman umano problema sa seguridad kundi ay ang hindi nito pagkakaunawaan sa koordinasyon kung saan ay lulan ang mahigit 100 MILF sa mga sasakyan.

Ayon kay PNP spokesperson, PCol. Allen Rae Co, galing umano sa Lanao del Sur ang grupo ni Commander Longa patungo sa event sa kampo ni Commander Bravo sa Lanao del Norte subalit wala itong maipakita na koordinasyon.

Wala rin aniyang naipakitang kaukulang dokumento sa kanilang pagbiyahe sa kabilang lalawigan kaya pinabalik na lang sa Lanao del Sur para maiwasan ang aberya.

Pinayagan naman ang limang sasakyan lulan ang mga sibilyang walang armas, na makatawid.

Sinabi ni Co, na walang nangyaring komprontasyon o karahasan at walang ibang intensyon ang grupo kundi dumalo sa pagtitipon ng MILF.

Paglilinaw ni Co, na hindi awtomatikong nakaaalarma ang pagbiyahe ng mga armadong miyembro ng MILF, pero pwede itong magdulot ng pangamba.

(TOTO NABAJA)

75

Related posts

Leave a Comment