HOPE ni GUILLER VALENCIA
AYON sa Magandang Balita, Lucas 18:17, “Walang natatago na ‘di malalantad, at walang lihim na ‘di mabubunyag.” Halos isang buwan na ang nakalipas sa mga balita sa pahayag ng ilang senador tungkol sa flood control. Dito ay sinasabi nila na wala silang alam at hindi nila kilala ang mga sangkot ditong opisyales ng public works at mga contractor. Subalit lumipas ang ilang araw ay naglabasan ang kanilang mga litrato na may pagkakataon na sila ay magkakasama sa iba’t ibang okasyon. Maging ang mga sangkot sa fund insertion for national budget ay naglabasan din.
Lumabas din ang fund supports sa mga politician for their election funds. Tama ang sabi ni Lucas, walang natatago na ‘di malalantad.
Maging sa mga simbahan at mga pamunuan nito na may itinatago sa mga miyembro at sa mamamayan, ay hindi rin makaliligtas. ‘Ika nga, in due time ay sisingaw at sisingaw rin ang mga kalokohan at ang mga hidden agenda nito. Halimbawa, ang pagtitipon ng pangkalahatan ng mga kaanib nito sa panahon ng kampanyahan sa election. Magkakaroon ng prayer rally para ipanalangin ang mga politiko na kandidato na susuportahan nila. But, mostly ang lider ng church ang talagang may pakana nito. Ginagamit nila ang kanilang miyembro para sa pansariling agenda. Lalo pa nga sila mismo ang kandidato, ang lider ng simbahan o ng sekta nila.
Isang paalala sa bawat isa nating mga kababayan mula kay Apostol Pablo. “Sapagkat lahat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat, ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo’y nabubuhay pa sa katawang ito”, 2 Corinto 5:10).
Ito naman ang pahayag sa sulat ni Juan, “At nakita ko ang mga patay, malaki at maliit na nangatayo sa harapan ng luklukan; at nang buksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinahatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat ayon sa kanilang mga gawa”, Pahayag 20:12.
So let us repent and be baptized in the name of the Father and the Son and thou shalt be saved!
