HUMANTONG sa karsel ang isang babaeng wanted sa kasong attempted murder nang inguso sa Navotas City.
Ibinalibag sa selda si Mirasol Carabio, 34, may asawa, ng Brgy. North Bay Boulevard North, ng lungsod.
Napag-alaman, may nagnguso sa mga parak na naispatan si Carabio sa kanilang lugar kaya nagsagawa ang mga pulis ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong ala-1:05 ng hapon noong Biyernes.
Hinuli si Carabio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel D. Laurea ng Regional Trial Court Branch 169, Navotas City, para sa kasong attempted murder in relation to Republic Act 7610. (ALAIN AJERO)
166
