WANTED SA RAPE SA CEBU NATUNTON SA RIZAL

SWAK sa selda ang isang lalaki makaraang madakip ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team ng District Investigation Division ng Manila Police District, dahil sa tatlong kaso ng sexual assault, nang matunton sa pinagtataguan nito sa Taytay, Rizal noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang suspek na si alyas “John”, nasa hustong gulang at top 2 most wanted person sa Cebu City.

Ayon sa ulat ni P/Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., bandang alas-7:00 ng umaga nang matunton ang suspek sa Tikling Road, Taytay, Rizal.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Annabelle Romana-Robles, ng Regional Trial Court Branch 96, Cebu, dahil sa kasong 3 counts ng sexual assault. (RENE CRISOSTOMO)

158

Related posts

Leave a Comment