SAYANG lang ang pondong iniukol ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalagay ng white sand sa Manila Bay.
Ito ang binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva sa paggiit na hindi madadaan sa pagandahan ang pagpoprotekta sa kalikasan, lalo na kung kailangan magsakripisyo ng isang lugar para sa ikagaganda lang ng iba.
“Sayang po ang pondo na nakalaan dito, lalo na’t maraming nagugutom at naghihirap ngayong panahon ng pandemya. Mabuti pang ginastos na lang po ang pondong nakalaan dito para bilhin ang
mga pangangailangan ng ating mga mag-aaral o palawakin pa ang tulong para sa mga manggagawa at OFW na nawalan ng hanapbuhay,” saad ni Villanueva.
Wala pa namang nakikitang masama si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa proyekto ng DENR.
Sinabi ni Lacson na kung napag-aralang mabuti at nagsagawa ng konsultasyon sa mga eksperto, maaaring makatulong ang programa.
“On the assumption that proper studies and consultations with experts, especially on its sustainability and effects on the environment, not to mention due diligence on the financial investment were made before its implementation, I would like to think that it is a worthwhile endeavor,” diin ni Lacson. (DANG SAMSON-GARCIA)
153
