WHO DAPAT ISAMA HARM REDUCTION SA TOBACCO CONTROL – EXPERT

NAGTIPON ang mga international health expert upang suriin ang mga estratehiya ng World Health Organization (WHO) sa pagkontrol ng tabako, partikular ang paggamit ng mga alternatibong produkto para mabawasan ang pinsala nito sa kalusugan at ekonomiya ng Southeast Asia.

Ayon kay economy expert Dr. Christopher Cabuay ng De La Salle University, umabot sa $9.8 bilyon o katumbas ng 2.48% ng GDP ng bansa ang ginastos ng Pilipinas noong 2019 para sa paggamot ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo.

Binanggit naman ni Anton Israel ng Nicotine Consumers Union Philippines na madalas na napapabayaan ang panig ng mga gumagamit ng nikotina sa pagbuo ng mga polisiya laban sa paninigarilyo.

Ipinunto ng mga eksperto ang karanasan sa ibang bansa: sa Sweden, ang paggamit ng risk-based taxation ay nagbaba ng smoking rate sa 6%, pinakamababa sa European Union, habang sa Germany ay kabaligtaran ang nangyari matapos ipataw ang mataas na buwis sa mga alternatibong produkto, na nagbunsod ng paglago ng ilegal na merkado.

Naninindigan ang mga dalubhasa na dapat isama ng WHO ang harm reduction sa kanilang tobacco control policies. “Ang nikotina ang hindi pumapatay, kundi ang pagkasunog ng tabako. May mga alternatibo na — panahon nang pakinggan ang agham,” giit nila.

(JOCELYN DOMENDEN)

38

Related posts

Leave a Comment