PINABULAANAN ng apat na punong barangay sa Tayabas City ang kumakalat na impormasyon na sinimulan na ang pagtatayo ng mga wind turbine o windmill sa kanilang nasasakupan na bahagi ng Mount Banahaw partikular sa Barangay Ilayang Ilasan.
Iginiit ng mga barangay captain ng mga barangay ng Ilayang Ilasan, Ibabang Ilasan, Ilayang Palale at Ibabang Palale, na walang aktibidad na may kaugnayan sa pagsisimula ng konstruksyon ng mga wind turbine sa kanilang mga lugar.
Ayon sa kanilang pahayag, wala ring kumukuha ng permit para sa sinasabing pagtatayo ng mga wind turbine o kaugnay na istruktura.
Itinuring din nilang maling impormasyon ang kumakalat na post mula sa mga umano’y dummy account na nagsasabing sinisimulan na ang windmill project sa Barangay Ilayang Ilasan.
(NILOU DEL CARMEN)
164 