Withdrawal of support kay PDu30 itinanggi ng DND GIYERA VS. CHINA, FAKE NEWS

KINONDENA ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang pinakakalat ngayon sa social media na withdrawal of support kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga aktibong military officers dahil sa pagiging inutil nito sa isyu ng West Philippine Sea.

Maging ang ulat na pagdagsa ng mga eroplano at kagamitang pandigma sa Clark Air Field bilang paghahanda ng allied countries sa posibleng pag-atake ng China ay sinabi ng DND na fake news.

“We denounce the  irresponsible propaganda being propagated in online posts alleging that a group of retired and active military officers are withdrawing their support for the President,” ayon sa inilabas na statement ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“This is fake news! I am not, and will never be, a part of any such group — neither are the officials at the Department of National Defense, many of whom are also retired military officers.
Kaugnay ito sa mga post sa social media maging sa Viber na sinasabing binubuo na ng mga senior at junior officer na nasa active at retired status ang manifesto ng kanilang pagbawi ng suporta sa kanilang commander-in-chief na si Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, nanawagan si Lorenzana na tantanan ng mga destabilizer ang pagpapakalat ng malisyosong pahayag lalo na sa panahon na dapat magsama-sama ang lahat para harapin ang hamon ngayon kaugnay sa COVID-19.

Nag-ugat ang nasabing pahayag sa mensaheng kumakalat sa online mula umano sa isang Archbishop Martinez na humihiling ng dasal sa mga tao dahil base umano sa pahayag ng isang General David ay naka-red alert ang AFP dahil sa galit sa China.

Pinakilos na ni Gen. Sobejana ang kanyang mga tauhan para alamin kug sino ang mga nasa likod ng umano’y fake news o malisyosong mensahe. (JESSE KABEL)

130

Related posts

Leave a Comment