ZALDY CO PINAKAKANTA SA PINONDOHANG PARTY-LIST GROUPS

BINIRA ng vlogger na si Mark Anthony Lopez ang nagbitiw na si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at inakusahan itong pinondohan ang ilang party-list group nitong nakalipas na midterm election.

Nag-iwan din ng palaisipan sa kanyang mga follower ang tanong ni Lopez kung ano ang deal ni Co sa Comelec matapos iproklama ang tatlong party-list bilang kapalit ng diniskwalipikang Duterte Youth.

Ani Lopez, dapat isiwalat na ni Co ang nalalaman niya sa mga party-list na kanyang sinuportahan dahil tatraydurin din umano siya ng mga ito.

Diumano, maraming party-list na kasalukuyang nakaupo ang nabigyan ng pondo ni Co noong eleksyon. Kabilang umano sa mga ito ang Barangay Health Workers o BWH sa pangunguna ng pamangkin niya na si Natasha Co, Ako Bicol na partido niya, United Senior Citizens at WIFI.

Inakyat naman ng Duterte Youth Party-list ang disqualification sa Korte Suprema matapos nilang sabihin na paglabag ito sa karapatan ng mahigit dalawang milyong botante noong nagdaang eleksyon. Anila hindi makatarungan ang naging hakbang ng Comelec na tila may kinilingan sa kasong ito.

(JOEL AMONGO)

12

Related posts

Leave a Comment