₱104-M SUPERLOTTO, ₱10-M LOTTO JACKPOT NATUMBOK!

INSTANT milyonaryo ang tatlong masuwerteng mananaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos matumbok ang dalawang major jackpot.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, dalawang mananaya ang maghahati sa ₱104,548,763.10 jackpot ng SuperLotto 6/49 na may winning combination na 09-11-12-24-26-30.

Nabili ang mga tiket sa Caloocan City at Los Baños, Laguna.

Samantala, nasolo ng isang mananaya ang ₱10,042,884.60 jackpot ng Lotto 6/42 na may kombinasyong 00-11-13-17-29-32, na binili sa Project 7, Quezon City.

Binobola ang SuperLotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Para makubra ang premyo, magtungo sa PCSO main office at magdala ng dalawang balidong ID.

(TOTO NABAJA)

134

Related posts

Leave a Comment