PATULOY ang search, rescue, and retrieval operations matapos gumuho ang Binaliw landfill sa Cebu City, kung saan isang 22-anyos na babae ang nasawi, 12 ang nailigtas, at 38 ang nawawala.
Ayon sa NDRRMC, naganap ang pagguho bandang alas-4:17 ng hapon kamakalawa.
Sa huling ulat, pito sa mga nailigtas ang dinala sa Visayas Medical Center, habang lima ang isinugod sa North General Hospital.
Kinumpirma ni Cebu City Mayor Nestor Archival na may 110 empleyado ang nasa lugar nang mangyari ang insidente.
Nasa 333 tauhan ang idineploy para sa operasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Pansamantalang sinuspinde ng Prime Waste Solutions Cebu ang operasyon ng pasilidad at nakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno.
Naghahanap na rin ang Cebu City at mga karatig-LGU ng alternatibong tapunan ng basura.
(JESSE RUIZ)
53
