SANGLEY AIRPOT NAG-OPERATIONAL DRY RUN NA

(NI KEVIN COLLANTES) MATAPOS ang apat na buwang puspusang konstruksiyon, isinailalim na sa wakas ng Department of Transportation (DOTr) sa ‘operational dry run’ ang Sangley Airport sa Cavite. Si Transportation Secretary Arthur Tugade mismo ang nanguna sa pag-iinspeksiyon at pangangasiwa sa naturang aktibidad na isinagawa kahapon ng umaga, bilang pagtalima sa naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking mabubuksan na ang naturang paliparan sa Nobyembre 2019. Nabatid na isang flight ng Cebu Pacific ang matagumpay na lumapag sa Sangley bilang bahagi ng naturang naturang operational dry run. Matatandaang noong…

Read More

SENADO HATI SA PAGBIGAY NG LAW ENFORCEMENT POWERS KAY LENI

senate

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HATI ang mga senador sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Leni Robredo na pangunahan ang kampanya kontra droga at resolbahin ito sa loob ng anim na buwan . Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kung seryoso ang Pangulo sa kanyang panukala, mas makabubuting italaga si Robredo bilang chairperson ng Dangerous Drugs Board at concurrent Philippine Drug Enforcement Agency director general. Sinabi naman ni Senador Koko Pimentel na hindi maaaring ibigay ng Pangulo ang kanyang law enforcement powers maliban na lamang sa kanyang mga alter…

Read More

PHIVOLCS NAGBABALA NG MAS MALAKAS NA LINDOL SA MINDANAO

earthquake121

(NI ABBY MENDOZA) PINAGHAHANDA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Mindanao sa posibilidad ng pagkakaroon ng mas malakas na lindol kasunod ng dalawang insidente ng lindol na tumama sa North Cotabato. Noong Oktubre 16 ay tumama ang 6.3 magnitude quake sa Tulunan, North Cotabato na kumitil sa buhay ng anim  katao, isang  6.6 magnitude quake ang muling tumama sa nasabing bayan kung saan dalawa ang naiulat na nasawi. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, may posibilidad na may mas malakas pa na lindol ang…

Read More

CAYETANO KAY LENI: PLANO SA DRUG WAR, ILATAG

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Leni Robredo na ilatag nito ang kanyang plano kung paaano susugpuin ang giyera kontra ilegal na droga sa bansa. Ginawa ni Cayetano ang hamon matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang isuko ang kanyang law enforcement authority kay Robredo sa loob ng 6 na buwan para pamunuan ng Bise Presidente ang war on drugs. Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng pagbatikos ni Robredo sa war on drugs ni Duterte dahil malala pa rin umano ang problema…

Read More

PNP NORTHERN MINDANAO DIRECTOR, SUSPENDIDO

ombudsman

(NI NICK ECHEVARRIA) IPINATUPAD na ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Martes ang suspension order na ipinalabas ng  Office of the Ombudsman laban kay Northern Mindanao police regional director, Brig. Gen. Rafael Santiago. Ayon kay Gamboa, si Santiago ay sinuspinde ng anim na buwan kaugnay sa kasong may kinalaman sa logistics na isinampa noon pang 2012. “Yes, he was relieved because he has a suspension order that came out that was dated October 21, 2019. And sayang din (it is a waste) because he was a very good performer but we have to implement the…

Read More

DEPT. OF DISASTER NAPAPANAHON NANG ITATAG

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang dumaan sa masusing pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay sa panukala na magkaroon ng Department of Disaster Resilience sa gitna ng sunod-sunod na paglindol. Ginawa ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang nasabing pahayag matapos yanigin ng 6.6 magnitude na lindol ang Tulunan, North Cotabato, Martes ng umaga. Ayon sa mambabatas, maaaring gamitin ng Kamara ang Rule 48 kung saan ang mga panukalang batas na naipasa na noong nakaraang Kongreso ay otomatiko ng aprubado. “Madalas tumama ang malalakas na lindol sa amin…

Read More

PAGBUO NG DEPT. OF WATER MINAMADALI

bong go55

(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ni Senador Bong Go na maganda ang idudulot ng pagkakaroon ng Department of Water para makatulong sa pagkakaroon ng maayos na supply ng tubig sa bansa. Sinabi ni Go na naniniwala itong ang panukalang pagtatayo ng  Department of Water ay magsisilbing ahensya na tututok sa pangangasiwa ng yamang  tubig ng  bansa. Ayon sa senador, kailangan na maging mas mabilis  at mas maaasahan  ang pagresponde  ng  gobyerno pagdating sa pangangailangan ng publiko sa malinis at sapat na tubig at hindi dapat mahirapan dahil sa kapalpakan ng mga…

Read More

2 PATAY, HIGIT 100 NASAKTAN SA 6.6 LINDOL SA MINDANAO

(NI JG TUMBADO) UPDATE DALAWA katao ang patay habang nasa 215 iba pa ang sugatan makaraang yumanig ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa malaking bahagi ng Mindanao region kahapon. Batay sa ipinalabas na datos ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ang 15 anyos na si Jessie Riel Parba, grade 9 student ng Kasuga National High School sa bayan ng Magsaysay at ang 66 taong gulang na si Nestor Narciso ng Koronadal City, South Cotabato. Ayon sa NDRRMC, nabagsakan si Parba ng mga…

Read More

ATENEO ‘DI TATANTANAN NG GABRIELA

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI tatantanan ng Gabriela ang Ateneo de Manila University (AdMU) hangga’t hindi nila makakamit ang mga biktima ng sexual harassment na kagagawan umano ng ilan nilang opisyal. Ito ang pahayag ng Gabriela Youth na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga kaso ng sexual harassment sa nasabing unibersidad na naging dahilan ng kilos protesta ng mga estudyante at faculty members. “Gabriela Youth stands with the community of Ateneo De Manila University in its calls to end the culture of impunity and…

Read More