Tulong ng Big Casinos

Kaugnay nito, hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang malalaking casino sa bansa na tumulong sa pag-regulate ng online gambling.

Hinamon ng senador ang mga big casino na patunayang sumusunod sila sa mga regulasyon at hindi isyu pa sa kanila ang paghihigpit sa mga online gambling sa bansa.

Binigyang-diin ni Hontiveros na napag-iiwanan ang mga batas ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya kaya naman inihain niya ang panukalang maglilimita sa access sa online gambling partikular sa e-wallet at super apps.

Marami aniyang buhay ang sinira ng online gambling at maraming pamilya ang nasaktan dahil dito.

Nakatanggap si Hontiveros ng maraming report mula sa mga taong humihingi ng tulong dahil sa mga kaanak na nalulong sa sugal, nabaon sa utang at kinitil ang sariling buhay dahil sa bisyo.

Binigyang-diin ni Hontiveros na sa ganitong sitwasyon, hindi na sapat na sumunod lamang sa batas kundi kailangan ding pangalagaan at sama-samang umaksyon laban sa online gambling.

(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA)

57

Related posts

Leave a Comment