ONLINE GAMBLING MALALA SA ALAK, DROGA

MAS malala ang pagkaadik ng mga Pilipino sa online gambling kaysa ilegal na droga at alak.

Ito ang isiniwalat ni Bicol Sara party-list Rep. Terry Ridon kaya itinuturing na umano na national crisis ang nasabing problema lalo na’t napakadali na sa mga tao na magsugal gamit ang makabagong teknolohiya.

Ayon sa mambabatas, sinabi umano ni Jon Ty, founder ng Bridges of Hope, isang recovery rehabilitation centers, na 7 sa bawat 10 sa kanilang kliyente ay nagpapagamot sa kanilang gambling addiction.

“Findings from Bridges of Hope, a leading rehabilitation network, reporting that seven in ten of its clients now suffer from online gambling addiction—surpassing cases linked to drugs or alcohol,” ani Ridon.

Dahil dito, inihain ni Ridon ang House Resolution (HR) No. 48 para magkaroon ng mahigpit na regulasyon ang gobyerno partikular na ang Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) para maiiwas ang mamamayan sa nasabing sugal habang hinihintay ang batas na gagawin ng Kongreso.

Kabilang sa iminungkahi ng mambabatas na solusyon ay pagbawalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gamitin ang mga e-payment platform at banking apps tulad ng GCash, Maya, at iba pa sa lahat ng gambling-related transactions.

Kailangan din aniyang magtakda ng minimum cash-in threshold na P20,000 upang maiwasan ang tinatawag na impulsive gambling at -iban ang lahat ng mga advertising, sponsorships, at promotions sa TV, radio, digital, print at outdoor media.

“The rise of online gambling is not just a regulatory issue—it is a public health and social protection concern. The government must act decisively now, before we lose another generation to addiction and financial ruin,” ayon pa sa mambabatas.

Bukod kasi aniya na marami ang naaadik sa nasabing sugal ay maraming pamilya ang nasisira tulad ng iniluntang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamamagitan Bishop Pablo Virgilio David.

(BERNARD TAGUINOD)

132

Related posts

Leave a Comment